Anim na araw bago ang eleksyon, naglabas ng listahan si senatorial aspirant Antonio Trillanes IV ng ilan sa mga dapat gawin ng mga kapwa niyang Kakampinks para manalo si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Una, dapat daw ay mas patindihin pa ang pagsasagawa ng house-to-house campaign. Aniya pa, huwag nang kumbinsihin ang mga die-hard BBM supporters dahil sayang lang daw sa oras.

"1. Intensify H2H/P2P. I know rejections are hurtful, but the conversions are rewarding. Focus on depressed areas, markets, terminals. DON'T TRY TO CONVINCE die-hard BBMs, sayang oras," aniya sa kanyang Tweet nitong Martes, Mayo 3.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

https://twitter.com/TrillanesSonny/status/1521318848259010560

Ayon pa sa dating senador, dapat ay magsagawa ng "conversion" meetings ang mga employer. Para sa mga celebrity endorsers naman ay dapat umapela sa kanilang mga fans, at para naman sa Simbahang Katoliko, dapat ay magbigay ito ng mas tahasang moral at spiritual guidance para sa mga botante.

"2. Employers MUST conduct “conversion” meetings with their employees; 3. Celebrity endorsers should appeal to their fans on their socmed fan pages; 4. For the Catholic church to provide MORE EXPLICIT moral/spiritual guidance to our voters," saad pa ng senador.

"Let's go!!! Let's MAKE LENI WIN!!!" dagdag pa ni Trillanes.

https://twitter.com/TrillanesSonny/status/1521318850645532677

Si Antonio Trillanes IV ay parte ng senatorial slate ng Leni-Kiko tandem.

Samantala, sa huling Pulse Asia survey na isinagawa noong Abril 16-21, 2022 ay nasa ikalawang puwesto si Robredo na may 23 porsiyento ng voters preference.