Inamin ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang talumpati sa naganap na sortie ng Leni-Kiko tandem sa Sta. Rosa, Laguna noong Abril 30 na matagal na silang magkaibigan at tila kapatid na babae ang turing niya kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte, na isa palang 'Sharonian'.
"I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister…" pahayag ni Shawie.
Parang 'tatay' rin umano ang turing ni Mega kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang ama ni Inday Sara. 'The singer of his life' pa nga raw ang tawag sa kaniya ni Digong.
"I will treasure those precious moments with him," sey ni Mega.
Sa politika raw, walang permanenteng kaibigan at walang permanenteng kaaway o kalaban.
Subalit may isang pahayag umano ang pangulo na ikinawindang niya, at hanggang ngayon ay hinding-hindi niya malilimutan.
“But when Tatay (PRRD)… once I saw on Youtube … he said who is this stupid God? Para akong binuhusan ng kumukulong tubig at de-yelong tubig nang sabay. Kasi kapag Diyos na ang kinalaban mo, sino pa ang Diyos mo?”
"Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections… wala mang permanent friends, walang permanent enemies, I hope we can still be friends," saad ni Shawie.
Samantala, nang ideklara daw ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na siyang ama ni presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. o BBM ang Batas Militar sa Pilipinas, tanda pa ni Mega na nanonood siya ng cartoons noon.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/03/bbm-sara-matagal-nang-kakilala-kaibigan-ni-sharon-pero-leni-kiko-pa-rin-daw-ang-dapat-iboto/">https://balita.net.ph/2022/05/03/bbm-sara-matagal-nang-kakilala-kaibigan-ni-sharon-pero-leni-kiko-pa-rin-daw-ang-dapat-iboto/
Kilala raw ni Shawie ang pamilya Marcos ngunit hindi naman daw sila ganoon ka-close. Ang pinaka-close daw niya sa Marcos siblings ay si BBM.
“Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time," ani Sharon.
"Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally. Hindi naman ganoong ka-close."
"Pero kilala ko sila… I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” saad ng Megastar.
Ngunit sa puntong ito, Leni-Kiko tandem umano ang nararapat iboto ng sambayanan.
“Do you want your children, your grandchildren and your grandchildren’s children and so on and so forth – all the generations to come, to say, ‘My lola or my mother or my father or my lolo voted for the right leaders when they could?'"
“You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth. It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito," aniya.