Pawang nagpositibo sa Covid-19 ang 15 dayuhang bumisita sa bansa kamakailan.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga nasabing dayuhan ay nagtungo sa Puerto Princesa City at bumisita rin sa Tubataha reef.

Nabatid na 13 sa kanila ay pawang asymptomatic o walang sintomas ng virus habang ang dalawa pa ay nakitaan naman ng mild symptoms ng sakit noong Abril 27 hanggang 28.

Isinailalim sila sa RT PCR test noong Abril 29 at 30 kung saan positibo ang naging resulta.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ayon sa DOH, ang 14 sa kanila ay pawang nasa isolation facilities habang kinailangang i-admit ang isa pa sa pagamutan.

Tiniyak naman ng DOH na ang mga dayuhan ay pawang fully vaccinated laban sa Covid-19.

“All 15 individuals mentioned are foreigners and are fully vaccinated, of which 13 were asymptomatic and 2 presented mild symptoms with onset dates from April 27-28. 14 were isolated in facilities while 1 was admitted at a hospital,” anang DOH.

“They were tested in RT-PCR on April 29-30, of which all resulted as positive. As of the moment, the DOH through the RESU and CESU are still verifying the situation and will update the public once more information is available,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng DOH na ang sample ng 15 dayuhang pasyente ay ipapadala sa Philippine Genome Center (PGC) para masuri.