Matapos lektyuran ni Arnell Ignacio si Unkabogable Star at 'It's Showtime' host Vice Ganda hinggil sa ABS-CBN franchise, si Kim Chiu naman ang kaniyang 'pinayuhan' kaugnay ng naging kontrobersyal na tweet nito hinggil sa palagian umanong pagsagot ng 'spokesperson' ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos, Jr. sa mga isyu o usaping kinahaharap nito.

"Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang? Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious," aniya noong Abril 29.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/30/kim-chiu-kay-bbm-bakit-parang-mas-si-sir-spokesperson-yung-laging-sumasagot-siya-po-ba-yung-tatakbo-upd/">https://balita.net.ph/2022/04/30/kim-chiu-kay-bbm-bakit-parang-mas-si-sir-spokesperson-yung-laging-sumasagot-siya-po-ba-yung-tatakbo-upd/

Agad itong umani ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. Sa isa pang tweet, sinabi ni Kim Chiu na natatawa na lamang siya sa mga bagong bash sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/30/matapos-magbigay-ng-opinyon-kim-chiu-na-bash/">https://balita.net.ph/2022/04/30/matapos-magbigay-ng-opinyon-kim-chiu-na-bash/

"Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels Bahala kayo magkagulo jan! yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi (PS namimiss ko na mag peace sign)," saad niya sa tweet noong Abril 30.

Sinagot naman ito ng TV host, comedian na si Arnell Ignacio, kung saan ipinaliwanag niya na ang trabaho naman talaga ng isang spokesperson ay nagsasalita bilang kinatawan. Marami raw kasing pinagkakaabalahan si BBM at awtorisado naman umano si Atty. Vic Rodriguez na magsalita in behalf of Marcos. Tinawag pa niyang 'very colorful personality' ang host-actress.

Sa huli, may payo si Arnell kay Kim.

"Get a spokesperson for yourself. MALAKING tulong 'yan, para di ka sumasabit Kim…"

Samantala, may ilan namang netizen na nakuha ang nais ipunto ni Kim.

"Actually, valid din naman question from KIM CHIU. Sometimes, we have to hear from the concerned party himself because we want to know it straight from his mouth."

"Valid naman ang tanong ni Kim. Sa lahat ba ng pagkakataon, kailangang spokesperson ang humaharap? O baka naman hindi lang niya alam talaga kung paano magre-respond? Mas mainam na sa mismong bibig ng aspiring president malaman ang paliwanag. Kapag may spokesperson na kasi, pinagaganda na sa pandinig o mambabasa."

"He just chose the network favorable to him. Kapag alam niyang hindi na, spokesperson na ang ibabalandra."

Samantala, wala pang reaksyon si Kim Chiu sa 'ipinayo' sa kaniya ni Arnell Ignacio.

Panoorin ang pahayag ni Arnell via YouTube channel: