May sey ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa pag-iwas ni dating Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa paanyayang debate ni Bise Presidente Leni Robredo.

Aniya, bakit laging si Atty. Vic Rodriguez ang sumasagot sa mga paanyaya kay Marcos hindi ang kandidato mismo.

"Uhm curious lang po? bakit parang mas si sir spokesperson yung laging sumasagot, nakikita at humaharap? sha po ba yung tatakbo? Diba campaign period palang?" Tweet ng aktres.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1519995771885551619

Ito ay matapos maglabas ng tugon si Rodriguez sa imbitasyon ni Robredo na makipag-debate si Marcos sa kanya.

Sa inilabas na pahayag, aniya nauunawaan niya ang bise presidente dahil sa kabiguan umano nitong makaharap sa isang debate si Marcos.

BASAHIN: BBM camp sa hamon ni Robredo: ‘Hindi ito kailanman mangyayari’

“Maaari po nas silang dalawa na parehong naghangad na maging pangulo ng republika ay magkaiba ng paniniwala hinggil sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan sa mamamayan,” saad ni Rodriguez.

Binigyang-diin niya na puro paninira at panlilinlang umano ang ginagawa ng kampo ng dilawan.

“Positibong pangangampanya at walang paninira ang gabay ng UniTeam ni Bongbong Marcos, at diretso sa taumbayan ang mga mensahe nito at ang panawagan ng pagkakaisa. Pawan ang negatibo, panlilinlang, at paninira naman ang sa kampo ng dilawan,” aniya.

Sinabi rin ng tagapag-salita na hindi kailanman mangyayari ang debate sa pagitan ni Robredo at Marcos.

“Sa debate na hamon kay presidential frontrunner Bongbong Marcos ay hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang ‘yan.”

Para kay Kim Chiu, dapat na ang kandidato mismo ang sumasagot sa tanong o paanyaya mula sa ibang tao.

"Dapat yung nag aapply yung sasagot. Just like in any other JOB APPLICATION or JOB INTERVIEW. #nobashing #justcurious," ani ng aktres.