Hindi pa rin pinapayagang lumabas ang mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) habang sila ay nasa isolation facility kahit sa Mayo 9 na araw ng halalan sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Sabado.
Isang pagpupulong nitong Abril 30, ginamit na dahilan ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje ang Republic Act No. 11332 na nagpaparusa sa mga pasaway na pasyenteng nagtataglay ng sakit.
"They are not allowed to go out of their areas'pag sila ay positive, so hindi sila puwedeng lumabas sa isolation facilities.I have not heard the Comelec (Commission on Elections) providing arrangementspara makaboto 'yung ating mga nasa isolation facilities.Ang stand ngComelec, (is) they may not be able to vote," anang opisyal.
Binalaan din nito ang mga botante na dapat pa ring magpakita ng vaccination card sa loob ng polling precincts upang makaboto sa araw ng halalan.
Nilinaw nito na maaari pa ring bumoto ang mga nakitaan ng sintomas ng sakit, gayunman, isasagawa nila ito sa hiwalay na lugar na malapit sa polling precinct.
"Kapag ikaw ay vaccinated, ipapakita mo 'yong vaccine card, kapag ikaw ay unvaccinated dapat ipakita 'yong RT-PCR test result mo (na) negative within 48 hours tapos i-iscreen ka at kapag ikaw ay nakitaan ng sintomas pabobotohin ka sa isolated voting place na dinesignate ng Comelec," sabi pa nito.
Nanawagan pa rin ang DOH sa publiko na sumunod pa rin sa safety at health protocols upang maiwasang magkaroon ng biglaang pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases sa bansa, lalo pa't pumasok na sa Pilipinas ang Omicron BA.1.12 sub-variant kamakailan.
PNA