Magkasamang tumindig ang mag-asawa na sina Kapamilya actress Bianca Gonzales at basketball player JC Intal sa kanilang house-to-house campaign para sa Leni-Kiko tandem sa Dasmariñas, Cavite ngayong Sabado, Abril 30.

Ayon sa aktres, sa mga nagdaang eleksyon ay hindi sila pareho ng ibinobotong kandidato.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1520284192365420544

"Sa mga nakaraang eleksyon, hindi kami laging pareho ng ibinobotong kandidato ng asawa ko," ani Bianca sa kanyang tweet.

"Pero ngayon, pareho kami ng ipinaglalaban at masaya akong magkasama kami sa pagtindig na ito," dagdag pa niya.

"Botong maipagmamalaki namin at para sa aming mga anak," sey ng aktres.

Sa kanilang pangangampanya, may na-convert umano silang isang nanay na dating Bongbong Marcos supporter na ngayo'y Leni supporter na.

Ani Bianca, "Siya si Ate Gemma, labandera at basurera. Kasama ng kanyang asawang nagtatrabaho sa ospital, meron silang 3 batang anak na lalaki. Ang tangi niyang hangad ay magandang kinabukasan para sa anak. At ngayon, kasama na natin siya sa laban."

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1520266190861398016

"Nagsimulang umiyak si Ate Gemma nung kinukwento niya ang pamilya't trabaho niya, at kagustuhang umangat sa buhay," dagdag pa niya.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1520270308199960577

As of writing, siyam na araw na lamang ang nalalabi bago ang eleksyon 2022 sa Mayo 9.