Matapang na inanyayahan ni Bise Presidente Leni Robredo and kapwa nito presidential aspirant at frontrunner na si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa isang debate.

Ang paanyaya ay naglalayong sagutin ang kontrobersiyang ibinabato kay Marcos, at upang masuri rin ng mga botatante si Marcos ngayong tumatakbo ito sa pinakamataas na posisyon.

"Sa puntong ito, isang kandidato na lang ang hindi pa humaharap sa taumbayan sa isang debate kasama ang lahat ng ibang kandidato. Mahalaga sana ito para masuri kami ng publiko, at para marinig nila at mapagkumpara ang vision at pagkatao namin," ani Robredo.

"Inaanyayahan ko si Ginoong Bongbong Marcos na makipagdebate, para mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya. We owe it to the people and to our country. Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako," paanyaya ng bise presidente kay Marcos.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Kaugnay dito, napagpasyahan na rin ni Robredo na hindi muna daluhan ang isang forum na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at Commission on Elections.

Aniya,"Nagpasya akong hindi muna paunlakan ang imbitasyon ng COMELEC at KBP, para makapiling ang mga volunteers natin na nag-aabono, nagaambagan, at nagbubuhos ng oras at pagod para makasama tayo."

Ani Robredo, naihayag na nita sa maraming pagkakataon ang kanyang track record, mga plano, at mga prinsipyo. Dagdag pa niya, maraming beses na siyang nagbigay ng panayam sa mga panel interview at naka-post online ang lahat ng recording na ito.

Ang nasabing forum ng KBP at Comelec para sa mga presidential at vice presidential candidates ay nakatakdang iere sa darating na Mayo 1 hanggang 6, na tatawaging PiliPinas Forum 2022.