Isang barangay chairman ang binaril at napatay ng isang lalaki sa Bangued, Abra nitong Miyerkules ng hapon.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ronnie Bringas, 45, chairman ng Brgy Angad ng nabanggit na bayan.

Sa pahayag ni Abra Police Provincial Office information officer Capt. Edwin Sergio, nanonood lang ng basketball sa covered court sa kanilang lugar ang biktima nang bigla itong nilapitan ng suspek na nakasuot ng itim na jacket, itim na sumbrero, at itim na tube mask.

Kaagad na binaril ang kapitan sa likurang bahagi ng ulo.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Tumakas ang suspek sakay ngmotorsiklo, ayon pa sa pulisya.

Tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito.