May patutsada si senatorial aspirant Chel Diokno tungkol sa hindi pagharap ng isang kandidato sa debate.

Ayon kay Diokno, sa debate umano malalaman kung mayroon bang plano o wala ang mga tumatakbong kandidato.

"Sa debate malalaman kung meron bang plano o wala ang mga tumatakbo," ani Diokno sa kanyang tweet nitong Biyernes, Abril 29.

"Dito rin lilitaw kung sinsero ba talagang tumulong ang isang kandidato o pansariling interes lang ang nais isulong," dagdag pa niya.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

"Kung sa debate nga takot na, paano pa kaya kung naharap na sa santambak na problema ng bansa?" patutsada ng senatorial aspirant.

https://twitter.com/ChelDiokno/status/1519947080621445120

Nangyari ang pahayag na ito matapos umusbong ang Balitang https://balita.net.ph/2022/04/29/robredo-hinamon-ng-debate-si-marcos-kung-papayag-po-kayo-anytime-anywhere-darating-ako/">hinahamon ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang kanyang kalaban na si dating Senador Bongbong Marcos ng isang one-on-one debate na agad https://balita.net.ph/2022/04/29/bbm-camp-sa-hamon-ni-robredo-hindi-ito-kailanman-mangyayari/">tinanggihan ng kampo ni Marcos.

Si Chel Diokno ay parte ng senatorial slate ni Robredo