Bumoto na si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Major General Felipe R. Natividad kasama ang iba pang RHQ personnel sa ikalawang araw ng isinasagawang Local Absentee Voting (LAV)  sa Grandstand, Southern Police District (SPD) Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City nitong Abril 28.  

Iniulat ni SPD Director,Brig. General Jimili Macaraeg na dakong 5:00 ng hapon nitong Huwebes, sa 1092 na inaasahang botante, 718 o 66% ng PNP at AFP personnel ang bumoto kahapon.

Matatandaan na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) ang tatlong araw na local absentee voting period magmula Abril 27 hanggang Abril 29, 2022.

Inaasahan naman ang pakikilahok ng iba pang pulis at sundalo sa isinasagawang huli o ikatlong araw ng LAV sa SPD ngayong Abril 29.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'