Pinag-aaralan na ng kampo ng nakakulong na si Senator Leila de Lima na magsampa ng kaso laban sa mga namilit umano kay suspected drug lord Kerwin Espinosa na isangkotito sa paglaganap ng iligal na droga sa National Bilibid Prison (NBP).
Sa isang panayam sa telebisyon nitong Huwebes ng gabi, ipinaliwanag ng abogado at tagapagsalita ni De Lima na si Rolly Peoro na hindi pa rin "palilligtasin" ng kanyang kliyente ang mga nag-akusa sa kanya.
Hindi na aniya nagtataka ang senador sa pag-urong ni Espinosa sa testimonya nito laban sa kanya.
“I cannot tell yet what the next action of Sen. De Lima is. But as an advocate of justice, surely… she will not let this off the hook or taken for granted. We will surely take to justice all the persons involved in the great injustice done to Sen. De Lima," pagdidiinni Peoro.
Posible aniyang isa sa dahilan ng pag-atras ni Espinosa sa kanyang testimonya ay ang nalalapit na pagbaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
“We always knew Kerwin was lying. It was just a matter of time before hetellsthe truth…We are just so unlucky it took him many years to do that,” sabi nito.
Nakakulong pa rin si De Lima saPhilippine National Police (PNP)-Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City simula nang maaresto noong Pebrero 2017.