Todo ang suporta ng aktor na si Kier Legaspi kina presidential aspirant Senador Panfilo "Ping" Lacson at vice presidential candidate Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Abril 18, ibinahagi niya ang mga larawan na kasama ang tandem at ang customized shoes.

"Pinirmahan ni Pres. Ping Lacson at VP. Vicente Tito Sotto ang aking customized adidas shoes. So grateful and happy!! Thank you po sa inyo!" saad ni Kier sa caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang kanyang customized shoes ay may nakalagay na Lacson at Sotto.

Samantala, makikita rin sa kanyang Instagram ang ilang mga larawan na nagpapakita ng suporta kina Lacson at Sotto.

Katunayan, nakadalo na rin siya sa mga campaign rally ng tandem.

Makikita rin ang kanyang larawan kasama ang daughter-in-law ni Lacson na si Iwa Moto at anak ni Sotto na si Ciara Sotto.