Nagpasalamat si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa lahat ng mga nakaalala at nagpaabot ng pagbati sa kaniyang ika-57 kaarawan noong Abril 23, 2022, kung saan naganap din ang star-studded na Pasay sortie ng Leni-Kiko tandem.

Ipinahatid ni VP Leni ang kaniyang pasasalamat sa pamamagitan ng kaniyang personal na Facebook account noong Abril 24, 2022, lalo na ang mga celebrity at volunteers na wala umanong kapaguran para magpakita ng pagsuporta sa kaniya.

"Maraming salamat po sa lahat na nagpadala ng birthday greetings- sa telepono, social media, etc. Pinangarap kong sagutin isa isa gaya ng dati pero hindi na talaga kinaya sa dami," ani VP Leni.

"Please know that your well wishes are very much valued and appreciated. Maraming salamat po. Maraming salamat din sa lahat na volunteers who made the rally yesterday a success- sa lahat na nagpuyat the night before para ayusin ang venue, sa lahat na naglakad papunta sa Macapagal, tumayo ng maraming oras sa init, uhaw at gutom, mga nahirapan umuwi sa kanilang bahay."

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Maraming salamat din sa lahat na nagpapagod para mag house to house at nakikiusap tao sa tao, puso sa puso. Maraming salamat sa ating volunteer entertainers na nagpasaya sa okasyon natin. Nakakataba ng puso ang kanilang pagtataya na walang hinihingi ng anumang kapalit."

"Ang maisusukli ko lang sa inyong lahat ay ang pagseserbisyo nang tapat na puno ng puso at sipag. Maraming salamat po," pahayag pa ng pangalawang pangulo.