Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mapapalitan ang aabot sa 3.6 milyong doses ng nag-expire na bakunang kabilang sa donasyon sa Pilipinas kamakailan.

"Papalitan 'yan. Ire-replace ng COVAX Facility. Nag-meeting na kami kahapon at mayroon na po silang sulat sa atin," paliwanag ni DOH Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taped address na isinahimpapawid nitong Miyerkules ng umaga.

Nilinaw ni Duque na ang tinutukoy na expired vaccine ay 1.46 porsyento lamang ng suplay ng bansa. Binigyang-diin din nito na walang gagastusin ang bansa sa nasabing bakuna.

Kaugnay nito, nanawagan naman si vaccine czar at Covid-19 National Task Force chief implementer Secretary Carlito Galvez sa mga vaccine manufacturer na palitan na nila ang mga expired at mag-e-expire pa lang na bakunang nabili sa kanila ng gobyerno.

National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

Sa ngayon aniya, aabot na lamang sa 98 milyong doses ang maaari pang magamit ng pamahalaan para sa patuloy na vaccination program nito.

"'Yung mga expiring na lahat, maaaring palitan ng COVAX ng freshly-manufactured at mataas ang shelf life na more or less 6 months or one year," paliwanag ni Galvez sa isang panayam sa telebisyon.

Sa datos ng gobyerno, umabot na sa 67.1 milyong indibidwal ang bakunado na at 13 milyong iba pa ang nabigyan na ng booster shots.