Umaabot na sa 1,900 immunocompromised (ICPs) individuals ang nakatanggap na ng 2nd Covid-19 booster shots sa National Capital Region (NCR).

Paglalahad ni Dr. Gloria Balboa, regional director ng Department of Health (DOH)- NCR, target nilang maturukan ng second booster doses ang mahigit sa 250,000 katao na mahina ang immune systems sa rehiyon at mas malaki ang tiyansa na dapuan ng COVID-19.

“'Yung mga immunocompromised sila ang mas vulnerable po dito sa COVID-19, lalo nga kung merong bagong variant at saka nag-we-wane 'yung immunity. Kahit nabakunahan na, sila 'yung mas apektado,” ani Balboa sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.

Matatandaang noong Lunes, Abril 25, ay sinimulan na ng pamahalaan ang rollout ng second COVID-19 booster shots sa bansa, ngunit ICPs lamang muna ang target ng naturang vaccination.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kabilang sa itinuturing na ICPs ang may immunodeficiency, HIV, cancer patients, transplant recipients, mga pasyenteng umiinom ng immunosuppressive drugs, at mga bedridden patients o may terminal illness o malalang karamdaman.

Inamin din ni Balboa na may ilang healthcare workers at senior citizens, na hindi naman immunocompromised, ang nabigyan na ng second booster doses sa unang araw ng rollout ng pagbabakuna. Gayunman, honest mistake umano ito ng isang pagamutan sa rehiyon.

“Nakapag-explain naman sila. It was an honest mistake. Na-correct naman na po,” aniya pa.

Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa ikaapat na dose ng COVID-19 vaccines para sa ICPs, matatanda at healthcare workers.