Plano ng kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo na palakasin ang lokal na produksyon ng mga pataba o "abono" upang hindi magdusa ang mga magsasaka sa mataas na gastos sa pag-aangkat na kumakain sa kanilang kita.

Sa pagsasalita sa “Pasabdal sa Isla: People’s Coalition Rally, Mindorosas 2.0” nitong Abril 26, binanggit ng Bise Presidente na sila ng running mate na si Sen. Kiko Pangilinan ay may programa para tugunan ang mataas na halaga ng fertilizers.

“Halimbawa po, para mapababa ‘yung presyo ng abono, magpo-produce na po tayo locally. Ngayon kasi ‘yung abono lahat imported kaya napakamahal, wala po tayong control sa presyo ng abono,” saad ni Robredo sa Plaza de Francisco M. Sanchez sa Lubang, Occidental Mindoro.

Nais din ng naghahangad na pangulo na magbigay ng mga kagamitan sa pagsasaka para gawing moderno ang mga sakahan at mapababa ang gastos sa produksyon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Kaya hindi natin kayang makipag kompetensya sa mga imported na produkto dahil napakamura ng produkto nila, sa atin mahal,” dagdag niya.

“Mahal ang produkto natin kasi hindi pa modernized ‘yung ating mga farms pero ‘yung mga imported, marami ‘yung subsidy ng gobyerno nila kaya mababa ‘yung presyo nila,” paliwang niya.

Nangako si Robredo na kapag nanalo siya bilang pangulo, mag-aangkat lamang ang kanyang gobyerno ng mga produkto kung kinakailangan.

Ang prayoridad ng kanyang administrasyon ay direktang bumili sa mga Pilipinong magsasaka.

Siya ay may parehong mga plano para sa mga mangingisda, lalo na ang mga nasa San Jose na ngayon ay nagtatrabaho sa konstruksiyon dahil hindi nila kayang makipagkumpitensya sa malalaking sasakyang pangisda ng China.

“So ako po, pag ako naging Pangulo, mag-iinvest ang pamahalaan para siguruhin na hindi madedehado ang ating mga mangingisda,” aniya.

Nagsalita rin ang tanging babaeng kandidato sa pagkapangulo tungkol sa kanyang mga plano para sa mga kababaihan at mga tricycle driver at operator, at nangakong aayusin ang mga problema sa kuryente at internet connection sa lalawigan.

Nangako si Robredo na siya ang magiging uri ng pangulo na makikita ng taumbayan, at sisiguraduhin niyang personal niyang alam ang mga problema ng kanyang bayan.

Raymund Antonio