Tila nagpasaring ang komedyante at Kakampink na si Awra Briguela sa kaniyang tweet ngayong Abril 26, na kung bagong Pilipinas at bagong mukha umano ang nais ng karamihan, bakit daw pipiliin pa rin sina presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

Aniya, "Bagong Pilipinas, Bagong Mukha? Tapos Marcos, Duterte ulet HAHAHA," aniya.

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1518648788163842048

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Kulay rosas ang bukas. HAHAHHAHAHA Di ko maintindihan kung may bukas ba na kulay rosas! Pagkakaalam ko kasi paghihirap ang bukas noong mga pinklawan pa namumuno."

"Yeah, may mga halaman na pink lang sa una at maganda, pero malalanta at magiging dilaw din po 'yan at makikita natin ang tunay na kulay. Kaya suporta kay VP Leni Dahil mabibigyan sila ng franchise. Franchise po ba ang habol mo @AwraBriguelaaa

or kabutihan ng Pilipinas?"

"Hindi mo ba nabasa libro ni Jose Rizal? Sabagay, di nga naman talaga kayo nagbabasa."

"Go Awra! Ikembot na 'yan!"

"Yes, kulay rosas ang bukas!"

"Sana naman more appearances pa sa mga sorties! We love you Awra!

Sumikat si Awra bilang isang online sensation na pinalad na makapasok sa showbiz, sa pamamagitan ng 'FPJ's Ang Probinsyano' ni Coco Martin.

Isa siya sa mga anak-anakan ni Unkabogable Star Vice Ganda na nagdeklara na rin ng kaniyang pagsuporta kay VP Leni.