Sinabi ni 'real-life Darna' at Kakampink Angel Locsin na maninindigan pa rin siya sa tama kahit nakatatanggap ng 'red-tagging' mula sa mga netizen.

Niretweet ni Angel ang komento sa kaniya ng isang netizen kung bakit '@143redangel' ang username ng kaniyang Twitter account.

"Artista ka nga Angel @143redangel by the way it makes sense bakit UN (username) mo is 143 (I love you) red (NPA) and dinagdag mo na lang yung NAME mo para di HALATA," saad ng basher ni Angel.

Screengrab mula sa Twitter/Angel Locsin

"At kahit nakakatanggap po ako ng mga ganito araw-araw, maninindigan pa rin po ako sa tama," sey naman ni Angel.

https://twitter.com/143redangel/status/1518572609746612224

Nag-ugat ang komentong ito ng basher sa isa pang tweet ni Angel, na may prangkisa man o wala ang ABS-CBN, si VP Leni Robredo pa rin ang iboboto niya.

"May prangkisa o wala, kay VP Leni ako. Mahal pa rin kita ate," aniya.

https://twitter.com/143redangel/status/1518569597523623937

Pinararatangan ang mga ABS-CBN celebrities na nagpahayag ng pagsuporta sa Leni-Kiko tandem na kaya lamang daw nila ginagawa ito ay upang maibalik ang prangkisa ng TV network.

Matatandaang ibinasura ng Kamara noong 2020 ang aplikasyon ng franchise renewal nito.

Samantala, habang isinusulat ito, burado na ang tweet ng basher na nagpasaring kay Angel.