May makahulugang social media post si singer-host at dating appointed vice president for community relations ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc tungkol sa mga 'palaaway' sa social media.

Ipinaliwanag ni Jimmy ang saloobin niya tungkol sa kung bakit mas maraming nag-aaway sa Facebook kaysa nagkakabati o nagkakaayos.

"Alam n'yo kung bakit mas madaming AWAY kesa BATI sa Facebook?" panimula ni Jimmy sa kaniyang FB post ngayong Abril 26.

"Taynangyan, ang DALI kaya mang-AWAY! Mumurahin mo lang. Tawagin mong tanga. Wala nang usap-usap! Taynangyan, baka makapag-paliwanag pa eh."

"Eh sa pakikipag-BATI? Ang hirap gumawa ng PEACE noh! Kakausapin mo pa. Papalamigin mo pa ulo mo. Mag a-agree to disagree pa kayo sa mga irreconcilable."

"Taynangyan, ang HIRAP! Kaya kapag madalas ka makipag-AWAY sa Facebook, wag mo isipin agad na MAY PRINSIPYO ka.

Baka naman TAMAD ka lang."

Matatandaang nagpahayag ng pagsuporta kay presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang singer-host, kasama nina Vivian Velez, Mocha Uson, Billy Crawford, at iba pa.