Napa-react si APO Hiking Society member at isang certified Kakampink na si Jim Paredes sa naispatang BBM standee na nasa likod ng rehas ng isang tarangkahan o gate ng bahay na maipagpapalagay na pagmamay-ari ng isang tagasuporta ng naturang presidential candidate.

Ayon sa kaniyang tweet noong Abril 25, tila 'hindi raw pinag-isipan' ng house owner nang ilagay umano nito ang standee ni BBM sa harapan ng tarangkahan.

"This BBM house owner did not think well when he put this standee by the gate," ani Jim.

https://twitter.com/Jimparedes/status/1518562151505416192

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"I guess he didn't and isn't proud of it for sure… now lets go back to his topic…"

"Wala bang standee si Imelda?"

"Tanong lang po Sir JIm, papasukin pa po kaya 'yan ng magnanakaw eh kung magnanakaw naman po ang nakadisplay?"

"For all you know, the house owners isn't a BBM supporter, they just wanted to remind everyone where Jr should really be."

"Tawag diyan foreshadowing."

Samantala, hindi rin nakaligtas si Jim sa mga basher at hater na inungkat ang tungkol sa kumalat na eskandalong kinaharap niya noon.

"Sige lang po Sir Jim, tuloy-tuloy lang po ang inyong paninira. Maganda man po ang inyong layunin pero sana naiisip n'yo po ang pagsabi ng masasamang salita ay isang uri din ng pagkakasala."

"Pinag-isipan mo rin bang mabuti bago ka gumawa ng scandal mo???"

"I still remember your video 🤮🤮🤮🤮."

"But when you did your scandal, you thought of it well?"

"Did you do the same noon... Hindi ka rin nag-isip? Same same noh? You’re a disgrace!"

Samantala, hindi naman malinaw kung may intensyon ba talaga ang home owner ng bahay na ilagay sa ganoong puwesto ang BBM standee na ibinahagi ni Jim. Wala namang reaksyon o tugon si Jim sa mga netizen na nag-ungkat sa kaniyang past.