Ikinaantig ng netizens ang emosyunal na reunion ng magkaibigang sina Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu at MUP 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Sa ibinahaging maikling pasilip sa reunion ng dalawa ng Miss Universe organization, bakas ang parehong saya at excitement ni Harnaaz at Bea.

“I can’t believe you’re finally here,” ani Bea kay Harnaaz.

Hindi naman napigilang maluha sa saya ni Bea sa reunion nila ng kaibigan. Matatandaang naging malapit ang dalawa nang ganapin ang MU competition sa Eilat, Israel noong Disyembre 2021.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Isang video pa ang nag-viral noon nang personal na batiin ni Bea si Harnaaz ilang oras lang matapos koronahan itong bagong titleholder. Sa parehong video rin noong Disyembre ay hinikayat ni Bea si Harnaaz na bisitahin ang Pilipinas.

“I am actually very happy that Harnaaz is finally here. This is such an emotional reunion for the both of us,” sabi ni Bea nang matanong ng press ang nararamdaman nito sa reunion nila ni Harnaaz.

“We have been talking about meeting and she used to be like, ‘You need to come to the Philippines and I’m like, manifesting. We manifest it together. I’m happy to be here tonight with one of my best friends that I’ve found in Miss Universe,” sabi naman Harnaaz

Isang nakakaantig na video rin ang ibinahagi ni Harnaaz sa kanyang Instagram story kung saan makikita ang pinagsamang video nang kanilang reunion at ang personal na pagbati kay Harnaaz nang koronahan itong Miss Universe 2021.

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu

Abala sa ilang advocacy projects sa Pilipinas si Harnaaz kabilang ang naganap na advocacy event kasama ang Plan Philippines kaugnay ng women reproductive health.

Aabangan din si Harnaaz sa nalalapit na finals night ng Miss Universe Philippines 2022 sa Abril 30.