Isang lone bettor mula sa Laguna ang nakapag-uwi ng₱8.9 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Sa paabiso ng PCSO nitong Martes, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 36-17-29-28-12-05 na may katumbas na jackpot prize na₱8,910,000.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, ang winning ticket ay nabili ng mapalad na mananaya sa San Pablo City, Laguna.

Upang makubra ang kanyang panalo, pinayuhan naman ni Garma ang lucky winner na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balido ID cards.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinikayat rin ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto, at iba pang nilang PCSO games, upang magkaroon ng tiyansang maging susunod na milyonaryo, at makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.