Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Abril 26.

Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ito ng P4.10 sa presyo ng kada litro ng diesel, P3.50 sa presyo ng kerosene, at P3.00 naman ang idadagdag sa presyo ng gasolina nito.

Hindi naman nagpahuli ang ilang kumpanya tulad ng Seaoil, CleanFuel at PetroGazz na magpapatupad ng kaparehong taas-presyo sa kanilang petrolyo.

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito na ang ika-14 na bugso ng oil price hike ng mga kumpanya ng langis ngayong 2022.

Nitong Abril 19, huling nagtaas ng P1.70 sa presyo ng diesel at P0.45 naman sa presyo ng gasolina at kerosene.