Magandang balita para sa mga senior citizenas sa Maynila dahil tuloy na ang pamamahagi ng kanilang monthly cash allowance sa gitna ng pandemya.

Nagkasundo sina Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Manila Vice Mayor Honey Lacuna na ituloy na ang pamamahagi ng buwanang cash allowances ng may 178,759 senior citizens sa Maynila matapos sabihin ng city legal office ng Manila City Hall na ang nasabing benepisyo ay hindi na saklaw ng Commission on Elections (Comelec) Resolution 10747 dahil 2020 pa ito ibinibigay sa mga senior citizens.

Maikokonsidera rin anila ito bilang 'routine and normal expenses' dahil taong 2020 pa ito ipinagkakaloob sa mga benepisyaryo.

Sa tugon ni Comelec Election Officer IV Atty. Gregorio Bonifacio sa liham ni Secretary to the Mayor Bernie Ang, maaaring ituloy ang naturang pamimigay ng benepisyo basta hindi ito saklaw ng Comelec Resolution 10747, na nagtatakda ng mga pagbabawal sa paggamit ng pondo ngayong election period.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nauna nang kinuwestiyon ni mayoral candidate Alex Lopez ang nasabing programa dahil "kailangan pa umano ang go-signal" ng Comelec para sa tuluyang implementasyon nito bunsod na rin ng ipinaiiral na election spending ban.

Kada tatlong buwan ang pamamahagi ng monthly cash allowance na ₱500.