Lumikha na naman ng ingay ang senatorial candidate ng UniTeam na si Atty. Larry Gadon matapos niyang gamitin ang pinasikat na pahayag na 'Bobo!' sa ginanap na sortie sa Maynila nitong Sabado, Abril 23.

Pinuri ni Gadon ang mga nagtungo sa UniTeam sortie at tila nagpukol ng patutsada sa nagaganap na sortie sa ibang partido.

"Hindi kayo bobo kasi 'yong mga bobo nasa Roxas Boulevard," aniya.

Ayon sa mga netizen, ang pinatututsadahan umano ni Gadon ay ang mga dumalo umano sa sortie ng Leni-Kiko tandem, subalit ito ay ginanap sa Macapagal Boulevard sa Pasay City at hindi sa Roxas Boulevard.

Bukod sa mga netizen, isa sa mga napa-react dito ang Kakampink celebrity na si Pokwang.

"Dear Mr. Larry Gadon wala po sa Roxas Boulevard ang rally kagabi for VP Leni’s birthday, nasa Macapagal Boulevard po hahahahaha so sino po ngayon ang??????" pahayag ni Pokwang sa kaniyang tweet ngayong Abril 24.

https://twitter.com/pokwang27/status/1518055820046761985

Samantala, wala pang tugon o reaksyon si Gadon tungkol dito.