Naglabas ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng bagong COVID-19 vaccination schedule sa dalawang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) nitong Linggo.

Sa paabiso ng LRTA, nabatid na ang COVID-19 vaccination sa LRT-2 Cubao Station ay isasagawa tuwing Lunes, mula 8:00AM hanggang 4:00PM.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Samantala, ang vaccination schedule naman sa LRT-2 Antipolo Station ay mula 8:30AM hanggang 4:00PM, mula Lunes hanggang Sabado.

Maaaring mag-avail ng first dose at second dose para sa mga indibidwal na nasa 18-years old pataas, gayundin ng booster shots, sa mga nasabing istasyon ng tren.

Ang naturang proyekto ng pagbabakuna sa mga istasyon ng LRT-2 ay naging posible dahil sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), LRTA, LRT-2, Antipolo City Government at ng Quezon City Government.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Recto Avenue sa Maynila at Antipolo City.