Hindi napigilang maging emosyunal ni Inah Evans o mas kilala bilang 'Ate Dick' sa pag-'It's Showtime' ni Unkabogable Star at manager niyang si Vice Ganda, sa star-studded na sortie ng Leni-Kiko tandem sa Pasay City nitong Sabado, Abril 23, na nataon pa sa kaarawan ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

"Mahal na mahal kita Ma @vicegandako. Last night was one of my proudest moments with you. To be up there, volunteering and campaigning for the same team. Hindi ko mapigilang hindi ka yakapin. Hindi ko na naman napigilan umiyak," ayon sa tweet ni Ate Dick nitong Abril 24, 2022.

https://twitter.com/_AteDick/status/1518041138950979586?fbclid=IwAR2jmJvW4s9YUHrGJ9JAycDPFbDaXGXdqoj7nM73m_rxOLhrARFjyUbE2bo

Isa sa mga malalaking bituin ng showbiz industry na nadagdag sa nagpahayag ng kanilang pagsuporta kina VP Leni at Sen. Kiko si Vice Ganda na nagtungo pa sa sortie, idagdag pa sina Asia's Songbird Regine Velasquez, mister na si Ogie Alcasid, Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Andrea Brillantes, Mr. Pure Energy Gary Valenciano, at marami pang iba.

Present din ang iba pang mga celebrity gaya nina Ate Dick, KaladKaren Davila, Krissy Achino, Sassa Gurl, Pipay, Awra Briguela, at iba pang performers.

Bago pa sumapit ang Abril 23 ay maugong na ang espekulasyon ng mga netizen na isang Kakampink si Vice Ganda.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/23/vice-x-vice-unkabogable-star-vice-ganda-its-showtime-na-nga-ba-sa-pasay-rally-ng-kakampink/">https://balita.net.ph/2022/04/23/vice-x-vice-unkabogable-star-vice-ganda-its-showtime-na-nga-ba-sa-pasay-rally-ng-kakampink/