Tumugon na ang UniTeam supporter na si Archie Alemania sa 'Game over, Archie' remarks ni Gab Valenciano sa kaniya, matapos maging usap-usapan kamakailan ang video ng komedyante at host na ginagaya ang 'presidente at bise presidente chant' ng anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, na ginawa nito sa isa sa mga sortie ng Leni-Kiko.

"Game over, Archie," sey naman ni Gab sa kaniyang tweet nitong Abril 24, matapos ang sortie ng Leni-Kiko tandem sa Pasay City. May heart sign emoji pa ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/24/gab-v-pabirong-bumwelta-kay-archie-alemania-sa-panggagaya-nito-sa-kaniya-game-over-archie/">https://balita.net.ph/2022/04/24/gab-v-pabirong-bumwelta-kay-archie-alemania-sa-panggagaya-nito-sa-kaniya-game-over-archie/

Ibinahagi ni Gab ang litrato nila ng amang si Mr. Pure Energy Gary Valenciano gayundin ang kopya ng TikTok video ni Archie habang ginagaya siya, na ibinahagi naman ng isang netizen. Nilagyan ito ng caption ng netizen na "Hirap talaga kapag laos na komedyante…"

Ang ginaya ni Archie kay Gab ay nang mag-perform at ipa-hype ang mga dumalong Kakampink sa naganap na Bataan rally.

Ngayong araw din, nakarating na kay Archie ang pabirong parinig ni Gab sa kaniya, kaya nag-post na rin siya sa Instagram ng panibagong 'parinig'.

"Nag pra practice na kmi abangan nyo… 🤣🤣🤣 #joketime #wagseryosohin #garrylim," saad sa caption ni Archie. Makikita na kasama niya sa litrato ang komedyanteng si Gary Lim.

Samantala, wala pang tugon o reaksyon dito si Gab.