Muling nag-trending sa Twitter ang pangalan ni Unkabogable Star 'Vice Ganda' dahil hula ng mga netizen, siya ang tinutukoy na surprise host/performer sa Pasay rally ng Leni-Kiko tandem, na star-studded din ng mga tagasuporta dahil tamang-tamang kaarawan ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Matatandaang noong Lunes, Abril 18, nasa trending list ang Unkabogable Star at 'It's Showtime' host dahil sa kaniyang outfitan sa noontime show.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/18/vice-ganda-trending-sa-twitter-dahil-sa-pink-outfit-at-pahayag-tungkol-sa-alter-accounts/">https://balita.net.ph/2022/04/18/vice-ganda-trending-sa-twitter-dahil-sa-pink-outfit-at-pahayag-tungkol-sa-alter-accounts/

Napansin kasi ng mga netizen na ang suot niyang outfit ay may touch of pink.

Kung titingnan naman ang kaniyang medyas, may nakalagay na disenyong rosas dito.

Kaya tanong ng mga katkatera at sawsawera, 'Kakampink' o tagasuporta raw ba ng Leni-Kiko tandem si Vice Ganda? Hanggang ngayon kasi, wala pang opisyal na inilalabas na pangalan ng kandidato o partidong sinusuportahan ang award-winning comedian at host, bagama't hayagan ang pagsuporta niya noon pa man kay senatorial candidate Atty. Chel Diokno.

Si Atty. Diokno ay kasama sa tiket ng Leni-Kiko tandem.

Matatandaang certified Kakampink ang co-hosts ni Vice na sina Anne Curtis, Kim Chiu, at Ogie Alcasid. Maging ang kaibigan niyang si Regine Velasquez ay nagpahayag na rin ng suporta sa Leni-Kiko tandem.

Kaya sa suot at pormahan ngayon ni Vice, hinuhulaan ng mga netizen na isa siyang Kakampink.

Bukod doon, markado rin ang pahayag ngayon sa Sexy Babe segment tungkol sa pagkakaroon ng 'alter accounts' na ginagamit ng trolls at bashers upang magpahayag ng pagpuna sa mga personalidad.

Ani Vice, "Kasi yung iba ang tapang pero 'pag tinignan mo, hindi naman nila pangalan, sa social media ang daming ganyan 'di ba ang tapang, ang kuda--- pero 'pag tinignan mo, woii 'di mo pangalan, alter account eh," ani Vice.

"Huwag matapang kung hindi totoong pangalan," pahayag pa.

Isang netizen naman ang nagbahagi ng kaniyang obserbasyon na magpapatunay na isang Kakampink si Vice, bukod pa sa Lunes.

https://twitter.com/iloveTutoyVG2/status/1517401497092247553

Noong Martes naman daw, nag-chant si Vice ng kagaya ng ginawa ni Gab Valenciano nang magtanghal ito sa sortie ng Leni-Kiko.

Noong Miyerkules naman daw, nabanggit ng ViceIon (Vice Ganda at Ion Perez) ang 'Liwanag sa Dilim'.

Noong Huwebes daw, nagbigay ng hint si Vice na 'Saturday is a special day'.

Noong Biyernes naman, may binanggit daw si Vice na pahayag na "Kayong mga nagdiriwang ng kaarawan, sana kayo ay magwagi sa inyong mithiin sa buhay. Parang sa bansa, may mga desisyon tayo na nagpahirap lalo sa bansa natin. Kaya dapat yung mga susunod nating desisyon, hindi na siya magpapahirap kundi mag-aangat na sa bansang ito." Pinuri din ni Vice si Kim sa ginawa nito sa Cebu sortie ng Kakampink.

Isa pa, ang mina-manage na komedyante ni Vice na si 'Ate Dick' ay isang Kakampink.

Samantala, wala pang tugon, reaksyon, o kumpirmasyon mula kay Vice Ganda tungkol sa espekulasyon ng mga netizen sa social media na Kakampink siya.