Viral ngayon sa social media ang selfie ng isang bata matapos may makapansin ng umano'y nakisali sa larawan ang isang hindi pa nakikilalang nilalang.

Ibinahagi ni Jenevie Apilan, sa kanyang Facebook post, ang umano ay nakakakilabot na larawan ng kanyang anak na si Zayd Zeesham, na uploaded sa kanyang Facebook story.

Matapos ng ilang minuto ay may napansin nang kakaiba sa larawan ng kanyang anak kaya napatanong sa kanya ang ilang sa kanyang kaibigan kung sino ang umano'y taong nasa bintana na nahagip sa larawan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Sobrang creepy. Actually diko alam to Myday ko sya ngayun, dnd Hindi ko din napansin na meron ngang nakasilip," caption ni Garcia.

Dagdag pa niya, may lagnat ang kanyang anak nang makunan ng litrato noong Abril 20 kaya may cooling gel sheet ito sa kanyang noo.

Aniya, wala na rin tao sa labas ng kanilang bahay dahil pasado alas-diyes na ng gabi iyon.

Sumilip rin ang kanyang anak sa bintana matapos kunan ang larawan, na para kay Garcia ay napansin rin ng anak niya ang "taong nahagip sa larawan."

Paglilinaw rin niya, wala rin daw siyang intensyong manakot. In-upload lang niya ang larawan dahil nabahala siya dito.