Pinaiimbestigahan na ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rey Bulay ang umano'y kuwestiyunableng kasunduan sa pagitan ng ahensya at ng Impact Hub Manila na organizer ng serye ng presidential debate na tinawag na "PiliPinas Debate 2022."

Ito ay matapos hindi mabayaran ng Impact Hub Manila ang utang na ₱14 milyon sa Sofitel Philippine Plaza na pinagdadausan ng sunud-sunod na debate ng mga kumakandidato sa pagka-pangulo at bise presidente.

Bukod dito, pinagpapaliwanag din ni Bulay ang ilang opisyal ng Comelec na sangkot sa ilang posibleng irregularidad sa kasunduan sa pagitan ng ahensya at ng organizer na umano'y walang kakayahang pinansyal na sumali sa kahalintulad na proyekto

"Why was Impact Hubchosen organizerand how were they vetted?" paliwanag ni Bulay sa kanyang memorandum na may petsangAbril 22 at ito ay nasilip ng ABS-CBN News.

National

PBBM, itinangging nagbitiw na si DND chief Teodoro: 'Imbento 'yan ng mga desperado!'

Nauna nangnaiulat na ilang beses ng naglabas ng talbog na tseke ang Impact Hub na pinamumunuan ni CEO Celeste Rondario kaya napilitan ang Sofitel na humingi ng tulong sa Comelec upang singilin ang utang na₱14milyon.

Ito ang ginamit na dahilan ng Comelec upang iurong ang huling bugso ng debate sa susunod na linggo kung saan ka-partner na nito ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Sa kanyang memorandum, binanggit ni Bulay na handang magluwal ng₱15 milyon angilang kasamahan nito sa Comelec upang mailigtas ang Impact Hub sa pagkakautang sa Sofitel.

"While others are considering releasing₱15 million from Comelec funds to pay Sofitel, no one was able to cite the basis for the release of such funds. Impact Hub contracted Sofitel for the [debate] venue… It is clear that Comelec has no contractual relationship with Sofitel.If Comelec releases P15 million of public funds, Comelec will be wrongly covering up Impact Hub’s liability, as Comelec will be paying on behalf of Impact Hub," aniya.

"I also learned that the EID (Education and Information Department) through Directors James Jimenez and Frances Arabe have already requested and certified the release of the funds through Purchase Requests, which they have submitted to Chairman (Saidamen) Pangarungan and Commissioner Socorro Inting, who signed the same," banggit nito.

Kuwestiyunable aniya ang pagpirma nina Pangarungan at Inting sa pagpapalabas ng pondo dahil ang sinasabing kasunduan ay hindi tinalakay sa en banc o mga commissioner.

"Where is the contract for this 'counterpart money' and P15 million cover up money? Why was this not presented to the En Banc by the Bids and Awards Committee who should have handled the same?"

Pinansin din nito ang ginawang pagpapadala ng liham ni Jimenez sa Sofitel na nagsasabing maganda ang karakter ng nasabing Impact Hub kahit hindi nagbayad ng utang.

"Why did Dir. Jimenez guarantee the same on behalf of Comelec in a letter dated April 1? Is Dir Jimenez authorized to make such guarantee? Is Dir. Jimenez privy to the financial status of Impact Hub to make such guarantee?" pagpapaliwanag pa ni Bulay.