Walang kapangyarihan angInternational Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

“We reiterate our position that the International Criminal Court (ICC) has no jurisdiction to probe our campaign against illegal drugs,” pagdidiin ni acting Presidential Spokesperson, Communications Secretary Martin Andanar.

Hindi aniya maaaring siyasatin ng ICC ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte dahil gumagana pa rin ang justice system ng bansa.

“This is not the case in the Philippines where our criminal justice system remains capable and functional and our legal institutions continue to be independent and impartial,” sabi ni Andanar.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

Ang reaksyon ni Andanar ay tugon sa pahayag nipresidential aspirant Leody de Guzman na ipauubaya nito sa ICC ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa usapin kung manalo ito sa eleksyon sa Mayo 9.

Maaari lamang aniyang makialam ang ICC kung tumatanggi ang hukuman sa bansa na imbestigahan ang kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.

PNA