Ibinahagi ng aktres na si Lovely Abella sa kanyang Instagram ang isang “cheesy” at "sweet" appreciation post para sa asawa na si Benj Manalo.

Sinabi niyang binago ng Lord ang kanyang asawa simula noong lumakas ang faith nito. 

"Heto ang magpapatunay na binago ni Lord ang Asawa ko, simula nung lumakas ang faith niya. 'Di na mainitin ang ulo niya, 'di niya sinasabayan ang bwisit ko, halos siya lahat kumikilos, wala akong narinig na reklamo sa kabila ng katamaran ko," sey ni Lovely.

Nag-travel sila sa Thailand kamakailan. Sey rin niya na mas makikilala raw ng isang tao ang kanyang partner kapag nasa ibang bansa sila.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Vlogger, tagabitbit, taga picture, BOSS na may puso at malasakit, taga bukas ng pinto ko, taga antay pag nagshoshopping kami. Lahat na ata ng maganda nakita ko sa 8 araw namin na to," aniya.

Mukhang masayang-masaya si Lovely sa kanilang travel mag-asawa.

"Babe @benj ang saya ko ang saya ng Puso ko na Ikaw ang nakasama at makakasama ko pa sa lahat ng travel na to."

Hindi rin pahuhuli si Benj para mag-komento sa post ni Lovely.

"Infair, magaling ka kumuha ng candid pics ko ha hahahaha."

"Praise God!"

"I love you so much!"

Matatandaang ikinasal sina Lovely at Benj noong nakaraang taon, Enero 23.