Ibinuking ni showbiz columnist Ogie Diaz sa kaniyang vlog na 'Ogie Diaz Showbiz Update' na may kapwa kandidato umano sa pagkasenador ang nais 'lumaglag' kay action star Robin Padilla, at ang nakakaloka raw, kasama niya ito sa slate ng partidong kinabibilangan.

Chika ni Ogie, nakikipagkaibigan daw kay Robin ang kasama niyang kandidato sa pagkasenador subalit ang totoo raw, ayaw niya rito at mukhang siya raw ay inilalaglag.

"Ayoko na banggitin kung sino itong senador na ito, no, pero ang nakakaloka, kaanib pa niya ito sa kaniyang tiket, naku, sino kaya ito…" sey ni Ogie.

Si Ron ay kabilang sa senatorial slate ng UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos, Jr. at vice presidential candidate at Davao City mayor Sara Duterte.

Hiningi naman ni Ogie ang masasabi ng misis ni Robin na si Mariel, na buo ang suporta sa kaniyang mister na si Robin, at isa sa mga dahilan kung bakit ginagawa niya ang live selling, bukod sa talagang bet niya ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-mas-hinihimas-pa-raw-ang-bags-at-sapatos-kaysa-kay-robin-live-selling-dinagsa-ng-miners/">https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-mas-hinihimas-pa-raw-ang-bags-at-sapatos-kaysa-kay-robin-live-selling-dinagsa-ng-miners/

"Right now, nakakuha kami ng magandang survey so nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nagmamahal sa asawa ko, at saka sa mga naniniwala sa kaniya. And, syempre hindi natin maiiwasang may mga iba na gusto siyang i-out… naku, matakot kayo sa Panginoon," ispluk ni Mariel.

"Ang prayers ko talaga hanggang ngayon is, walang mangyaring dayaan sa darating na eleksyon at sana maging ok ang lahat."

Bagama't wala pang tugon o reaksyon si Robin hinggil dito, makikita naman sa kaniyang opisyal na Facebook account na ganadong-ganado siyang ipagpatuloy ang pagtakbo bilang senador.

"Sa dami-dami po ng nakakasalamuha kong tao sa kampanyang ito at sa araw-araw na nakakatanggapo po tayo ng mainit na suporta, mas lalo akong ginaganahan na magpursige at itaguyod ang plataporma natin sa senado. Maraming salamat mga Tol!" saad niya sa isa sa mga FB post niya.