Para sa singer na si Daryl Ong, ang pagdumog ng mga tagasuporta ng UniTeam sa kamakailang grand rally sa Cebu City ay halimbawa ng tunay na pagkakaisa.

Nagpasalamat si Daryl sa mga Cebuano sa naging mainit na pagtanggap nito sa kanilang mga mang-aawit at sa buong UniTeam sa naganap na gran rally noong Lunes, Abril 18.

“Daghang Salamat Cebu!!” mababasa sa caption ng Instagram post ni Daryl, Martes.

“Maraming salamat din sa UNITEAM sa oportunidad maibahagi ang aming talento at makapag pasaya ng daang-daang libo nating mga kababayan na nag laan ng panahon at pagod buong araw, upang magpakita ng suporta at pagmamahal kay BBM, Inday Sara at sa buong UNITEAM!” dagdag ng singer.

Ang tandem nina Bongbong Marcos Jr, o BBM at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay sinalubong ng tinatayang 300,000 katao sa City di Mare, Filinvest Ground, SRP Coastal Road.

Ang rally na tinawag na “Festive Rally Cebu: One Island, One province, One Cebu” ay star-studded sa pangunguna ng ilang sikat na artista at kilalang banda sa bansa kabilang sina actress-host na si Toni Gonzaga, Andrew E, DJ Loonyo, Michael Pangilinan,Bugoy Drilon, Katrina Velarde, J Roa, bukod sa maraming iba pa.

Nakasama rin ni Daryl ang asawa at kapwa singer na si Dea Formilleza sa nasabing Cebu sortie.

Basahin” Grand rally ng UniTeam sa Cebu bukas, dudumugin ng ilang celebrities, kilalang banda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid