Nanggalaiti ang Kapuso comedian na si Pokwang sa isang basher na nilait-lait ang apat na taong gulang niyang anak na si Malia O’Brian.

Flinex niya kasi sa IG ang anak na si Malia na matatas na matatas nang magsalita.

"I'm smart, I'm Malia, and I'm so beautiful, smart… I'm Malia," saad ng anak nito. Maririnig naman na natuwa at napatawa si Pokwang.

Nagkomento naman dito ang mga celebrity na sina Kakai Bautista at Sylvia Sanchez. Pinuri nila ang nakatutuwang si Malia, gayundin ang mga netizen.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

"You’re super duper beautiful and smart Malia, like your Mom."

"Yes Malia you are smart and beautiful, dont let anyone put you down, don't mind what other people say. Always remember that your family loves you so much and that's enough reason for you to be happy."

"Malia so cute… Looks more like an American Little Girl with a Little Touch of Filipino."

Kaya lang, may isang basher na bumanat at inokray ang anak nito. Habang tumatagal raw ay nagiging kamukha na ito ni Pokwang.

“Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay… sana wag mamana ugali ng nanay na panget din," saad nito.

Hindi naman ito pinalagpas ni Pokwang.

"Ok nurse ka pala? Noted this see (you) in court bullying innocent child ok.”

Ibinahagi ito ni Pokwang sa kaniyang Twitter noong Abril 16.

"ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay waaaa pangit daw si Malia???? Haaa??e ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan!o pang pelikula deba?? magandang title," saad ni Pokwang.

https://twitter.com/pokwang27/status/1515215602553864192

Simula nang Easter Sunday ay ratsada na ulit si Pokwang sa pangangampanya para sa Leni-Kiko tandem.