Tiniyak ni Aksyon Demokratiko Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nitong Martes na magiging ‘color blind’ president siya o walang kinikilingan at handang makipagtrabaho kahit kanino para sa ikabubuti ng bansa ng mga Pinoy, sakaling palaring maging susunod na pangulo ng bansa.

“I will be a ‘color blind’ President,” pagtiyak pa ni Domagoso.

Binigyang-diin rin ni Domagoso na siya ay tumatakbo sa pagkapangulo, hindi upang tapusin o maghiganti sa kung sino man, kundi upang hanguin ang mga Filipino sa kahirapan at sa kumunoy na resulta ng alitan ng dalawang kampo ng pulitika sa loob ng ilang dekada.

“Under my Presidency, may awa ang Diyos, wala tayong titingnang kulay. Walang pula, walang dilaw. I can work with anybody,” ayon pa kay Moreno.

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Sinabi rin niya na handa niyang bigyan ng posisyon sa gabinete maging ang hindi mga kapartido, basta kwalipikado lamang ito sa posisyon at handang isantabi ang kanyang kulay pulitika at handang magtrabaho sa pamahalaan at sa taumbayan.

Nagpahayag pa ng pangamba si Domagoso na kapag ang nanalong kandidato ay kabilang sa dalawang nagbabanggaang political camps sa loob ng 35 taon ay walang kapayapaan sa bansa.

Idinagdag din niya na maaasahan ang gantihan at destabilisasyon na sasagabal sa pag-usad ng bansa.

“Tama na. Nakakapagod na. Iba naman. If you want peace of mind, I am offering myself,” pahayag pa ni Domagoso.

Binanggit din ni Domagoso angmga nagawa ng kanyang administrasyon sa Maynila sa loob lamang ng dalawang taon. Kabilang na dito ang pagtugon sa pandemya sa maikling panahon at sa suporta niVice Mayor Honey Lacuna bilang head ng health cluster at Presiding Officer ng Manila City Council.

Ito, ayon kay Domagoso ang magandang pangyayari dahil ang una niyang ginawa nang manalo siya bilang alkalde ay nakipagkasundosa kanyang mga nakalaban sa pulitika sa halip na maghiganti.

Planong dalhin ni Domagoso sa lahat ng mga Filipino sa buong bansa at mga nasa ibang bansa ang mga benepisyong tinatamasa ng mga residente ngMaynila tulad ngmonthly allowances sa senior citizens, solo parents, university students at persons with disabilities, free hospital services, free education at free mass housing sa condominium buildings at iba pa.

Sa aspeto naman ng pagtugon sa pandemya, ang Maynila ang tanging lungsod na may free RT-PCR testing kahit sa mga non-residents, gayundin ang free quarantine facilities, expensive anti-COVID medicines at hospital services sa Manila COVID-19 Field Hospital na mayroong 344 bed capacity.