Muling iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang panawagan na mag-withdraw si Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo.
Binigyang-diin ni Domagoso na siya lamang ang nagsabi na mag-withdraw si Robredo.
"'Be a hero, withdraw Leni.' Ako may sabi nun hindi si Senator Lacson, hindi si Secretary Norberto Gonzales. Ako yun. Sasabihin ko ulit, withdraw Leni," aniya.
Gayunman, hindi siya humihingi ng pasensya sa kanyang sinabi.
"Hindi ako humihingi ng pasensya sa isang bagay na ginawa ko na makatwiran. Hiningi niyo sa amin ang withdrawal, hihingin din namin sa inyo ang withdrawal, fair lang," saad ni Domagoso sa isang ambush interview sa Brgy. Alegria, San Francisco, Agusan del Sur.
Kasama ni Domagoso ang kanyang running mate na si vice presidential candidate Doc Willie Ong at ang senatorial slate niya.