Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa 14 na lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.

Ito ang isinapubliko ni DOH Secretary Francisco Duque III sa isang pulong balitaan nitong Lunes.

"Nakakita na naman tayo ng dahan-dahan na bahagyang pagtaas ng mga kaso sa 14 na mga lugar under Alert Level 1. Binibigyan po natin ng paulit-ulit na paalala, at maraming salamat po Mr. President, dahil nasunod ng taong bayan sa disiplanong pagtalima sa minimum public health standards," anang opisyal.

Nilinaw ng DOH na ang Level 1 ay pinakamaluwag na quarantine restrictions laban sa sakit.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Kabilang lamang aniya sa mga lugar na ito angNational Capital Region na may 606 na kaso; Region 4A (226); Region 3 (181), Cavite (101); Manila (92) at Quezon City (82).

Ang bilang ng mga kaso ay naitala mula Abril 12-18.