Dumalaw sa isang rally sa ilalim ng UniTeam ang showbiz columnist at certified Kakampink na si Ogie Diaz para suportahan ang isang kaibigan.

Sa Instagram post ng artistang si Aiko Melendez, nagpasalamat ito sa kaibigan nitong si Ogie Diaz dahil pagsama nito sa rally kahit pa ang mga kandidato na nangangampanya dito ay nasa ilalim ng UniTeam, na sinusuportahan ang pagkakandidato ng tandem nina dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao Mayor Sara Duterte.

Ani Aiko, masaya siya na kahit magkaiba sila ng sinusuportahan ni Ogie ay nagawa pa rin nitong suportahan siya.

"Nakisaya din sa amin ang aking kumpare @wendellramosofficial at mader @ogie_diaz na kahit magkaiba ang aming sinusuportahan andun pa dn siya upang magpakita ng pagmamahal para sa akin," caption ni Aiko sa kanyang Instagram post.

National

Trust, approval rating ni PBBM, tumaas; bumaba naman kay VP Sara -- Tangere

Larawan: Screenshot mula sa Instagram post ni Aiko Melendez

Aniya, hindi niya makakalimutan ang gabing yaon dahil sa pagmamahal ng supporters nila.

Bukod kay Ogie Diaz, pumunta rin si Mariel Padilla upang ikampanya ang kanyang asawa sa pagkasenador na si Robin at ang artistang si Wendell Ramos.

Si Aiko ay tumatakbong Konsehal ng ika-limang distrito ng lungsod ng Quezon.