Nagpapasaklolo na ang Department of Tourism (DOT) sa gobyerno kasunod ng pagkabigong makontrol ng Malay local government sa Aklan ang bilang ng mga dumagsang turista sa Boracay na lampas na sa carrying capacity ng isla nitong Semana Santa.

Sa pahayag ng DOT, ipinagbigay-alam na sa Department ofInterior and Local Government (DILG) at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang usapin.

“We continue our coordination with them, especially the DILG which has jurisdiction over the LGU (local government unit), to address this concern and prevent similar incidents from happening in the future,” paliwanag ng DOT.

Nitong Abril 14, aabot sa 21, 252 ang bilang ng dumagsang turista sa isla at kinabukasan ay umabot naman ito sa 22,519 na lampas 19,215 na carrying capacity ng Boracay.

Eleksyon

Jimmy Bondoc, isang kaibigan, loyal kay ex-Pres. Duterte

Nangangamba rin si DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat dahil sa posibleng hawaanng coronavirus disease 2019 (Covid-19) kasunod ng insidente.

Aniya, dapat na magpaliwanag ang alkalde ng Aklan sa pagkabigong makontrol ang labis na pagpasok ng mga turista sa lugar sa kabila ng pandemya ng Covid-19.

Sa kasalukuyan, ipinaiiral pa rin ang Covid-19 Alert Level 1 sa Aklan.