Ang internet signal sa karamihan ng mga paaralan sa Metro Manila ay “hindi sapat” para sa mga guro na nagdaraos ng mga online class, ayon sa resulta ng isang survey na isinagawa ng isang grupo na inilabas noong Lunes, Abril 18.

Batay sa survey na isinagawa ng Alliance of Concerned – National Capital Region (ACT-NCR) Union, 87.6 percent o 8,106 sa 9,254 teacher-respondents mula sa rehiyon ang sumagot ng “no” nang tanungin kung ang internet ng kanilang paaralan ay kayang serbisyuhan ang mga guro na magsagaawa ng sabay-sabay na mga online class.

Inihapag ng ACT ang isyu ng mahinang internet connection sa mga paaralan habang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang Memorandum 29 series of 2022 na nag-aatas ng mandatory physical reporting ng lahat ng guro sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 simula Abril 18.

“It’s no secret that our public schools are in dire conditions, especially after being on lockdown for more than two years,” sabi ni ACT NCR Union President Vladimer Quetua.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Sa pag-uutos ng DepEd ng 100 porsiyentong pag-uulat ng workforce on-site, sinabi ng ACT na kabilang sa mga pangunahing alalahanin ng mga guro sa NCR ay ang kanilang internet sa paaralan ay hindi sapat na malakas upang mag-host ng kanilang mga klase na kadalasang ginagawa online.

Habang ipinapatupad ng DepEd ang progresibong pagpapalawak ng face-to-face classes, nananatiling default learning delivery modality ang distance learning ngayong school year dahil sa Covid-19 pandemic.

Ipinunto ni Quetua na maraming mga paaralan ang walang sapat na suplay ng malinis na tubig, kaya pareho ang kaso para sa internet connection para sa mga guro.

“Some of our teachers reported to have had to resort to asynchronous digital classes instead of holding online synchronous classes to consume lower internet bandwidths, which was all their school internet can handle,” ani Quetua.

Paliwanag niya, sa ibang pagkakataon, nakatanggap ang mga guro ng data allocations na ibinigay ng kani-kanilang Local Government Units (LGUs) na magagamit nila sa pagdaraos ng online classes.

Gayunpaman, nakatanggap din ang ACT ng mga ulat ng "dead spots" sa loob ng lugar ng paaralan na nagpupuwera sa maraming guro na lahat ay sabay-sabay na nagdaraos ng kanilang mga klase sa isang partikular na lugar kung saan may sapat na cell reception.

“This is what we mean when we say that the blanket DepEd memo will have counterproductive impacts on the already challenging education delivery amid the pandemic,” sabi ni Quetua.

Bukod sa mahinang internet connection sa mga paaralan, sinabi ng ACT na ang mga kalahok sa survey ay nagdiin din ng mga panganib sa kalusugan dahil sa patuloy na pandemya at mga alalahanin sa transportasyon.

Merlina Hernando Malipot