Nagpahayag si Congressman Manhik Manaog o si Leo Martinez sa totoong buhay tungkol sa mga lalaking pinagwi-withdraw umano ang babae.
"Ito po ang inyong lingkod Congressman Manhik Manaog from the Lakas Tama party at your service," ani Leo Martinez sa isang video niya na kumakalat online.
"Gusto ko lamang magkomentaryo doon sa nabalitaan ko kanina. Itong mga lalaking ito raw ay pinagwi-withdraw ang babae," saadniya.
"Aba ay mali iyon. Sa tunay na buhay ang mga lalaki ang nagwi-withdraw gayun 'yon.
"Puwera na lang kung ang mga lalaking ito ay kagaya ko rin laang, takot din sa babae. Ashame, ashame, ashame!"
Matatandaan na nagkaroon ng satirical content sina Leo Martinez at Janno Gibbs noong nakaraang buwan, kung saan ginagampanan ni Martinez si Cong. Manhik Manaog na siyang senior adviser ni President Gibbs na ginagampanan naman ni Janno Gibbs.
Gayunman, certified kakampink o tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ang batikang aktor.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/18/president-gibbs-inilabas-na-political-satire-video-ni-janno-gibbs-patama-nga-ba/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/18/president-gibbs-inilabas-na-political-satire-video-ni-janno-gibbs-patama-nga-ba/
Nitong Linggo, Abril 17, pinagwi-withdrawni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso si Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo dahil hindi raw epektibo ang ginagawa nito laban kay Marcos Jr.
“Hindi naging effective yung laban nila kasi nga personal. Gantihan lang. Away lang. I’m calling Leni to withdraw kasi whatever you are doing is not effective against the Marcos. Withdraw, come and join us,” anang alkalde.