Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa pamilya ni Vice President Leni Robredo na magsampa muna ng reklamo sa pulisya bago simulan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa 'sex video' umano ni Aika Robredo.

Paliwanag ni PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) spokesperson Lt. Michelle Sabino, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng reklamo na kinalaman sa cybercrime.

Ito aniya ang magiging batayan ng kanilang imbestigasyong matukoy at matunton ang nasa likod ng kumalat na video.

Kamakailan aniya, natulungan din nila si presidential bet Ferdinand Marcos, Jr. na matukoy ang may pakana umano ng assassination plot laban sa kanya.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Aniya, hinihintay na lamang nila ang request ng kampo ni Robredo bago sila gumawa ng hakbang sa usapin.

“Complainant based ang ACG (ACG is complainant-based). We need someone to file complaints,” pahayag ni Sabino nang tanungin ng mga mamamahayag sa naturang usapin.

Sa panig naman ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Office of the Vice President, naisumbongna nila sa mga awtoridad ang usapin.

Kaugnay nito, umapela rin ang PNP-ACG sa publiko na huwag nang buksan ang kumalat na video at sa halip ay i-report na lang ito sa kinauukulan.

PNA