CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga - Dinakma ng pulisya ang isang pinaghihinaaang drug pusher sa inilatag na buy-bust operation Minalin kamakailan.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Alezandro Cunanan, 43, taga Dona Victoria, Dau, Mabalacat, Pampanga.
Isinagawa ng mga tauhan ngMinalin Police ang operasyon sa Brgy. San Nicolas, Minalin na ikinaaresto ni Cunanan.
Nasamsam sa suspek ang 54 gramo ng umano'y shabu, marked money, isang cellular phone, at isang motorsiklo na ginamit umano ng suspek sa pagbebenta ng iligal na droga.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban kay Cunanan.