Nadagdagan na naman nitong Huwebes ang bilang ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay nang maitala ng DOH ang 276 na panibagong kaso ng sakit, kabilang na ang 110 na mula sa Metro Manila.

Ito na ang ikalimang araw kung saan naitala ang hindi lalagpas sa 300 na Covid-19 cases sa bansa.

Sa kabuuan, aabot na sa 24,179 ang aktibong kaso nito simula noong Enero 2.

Eleksyon

'Vote straight sa Alyansa, panawagan ni Mayor Abby Binay: 'Kailangan ikakampanya lahat!'

Gayunman, nakapagtala ang DOH ng 41 na panibagong nasawi sa sakit.

Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ang publiko na sumunod pa rin sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) lalo na ngayong Semana Santa upang hindi magkaroon ng pataas ng kaso sa mga susunod na araw.