Kasalukuyang nananawagan ng agarang tulong ang ilang bahagi ng Southern Leyte kasunod ng malalang pinsala ng pagbaha, at pagguho ng lupa matapos manalasa ang Bagyong Agaton sa rehiyon.

Ilang grupo ang naglunsad na ng donation drive isang araw matapos magbuhos ng matinding pag-ulan ang Bagyong Agaton sa katimugang bahagi ng Leyte.

Ayon sa isang tourism page na Discover Baybay City, tinatayang nasa 92 barangay na may 111,000 na residente ang apektado ng malawakang pagbaha sa lungsod.

Panawagan nila ang mga pangunahing pangangailangan kabilang ang malinis na inuming tubig, delata, instant noodles, kumot bukod sa iba pa.

Mangingisda, patay matapos bumara sa lalamunan ang buhay na isda

Samantala, nauna nang nagpadala ng relief operations ang ilang volunteers ni Presidential candidate at Vice President leni Robredo sa ilang bahagi ng Baybay, Sogod, at Abuyog.

Ngayong Lunes ng gabi, Abril 11, nagpasalamat si Robredo sa kanyang volunteers.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1513515517432111105

Sa pagbabahagi ng BBM Youth Advocate, nagpadala na rin ng agad na tulong ang UniTeam BBM-Sara headquarters sa ilang apektado ni Agaton sa Visayas.

Kasalukuyan pa ring bumubuhos ang malalakas ng pag-ulan sa Eastern Visayas, Masbate, Cebu, Bohol, Surigao del Norte at Dinagat Islands dala pa rin ni “Agaton,” ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Binabantayan rin ngayon ang Severe Tropical Storm 'Malakas' na nasa labas pa rin sa Philippine area of responsibility (PAR).