Nagpahayag ng pagsuporta si Pangulong Rodirigo Duterte sa pagtakbo sa Senado nina dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairperson Greco Belgica at House Deputy Speaker Rolando Marcoleta.

Para kay Duterte, ang dalawang senatorial aspirants ay may "kahanga-hangang" track records.

Sa ipinalabas sa state-run PTV-4 noong Sabado ng gabi, Abril 9, nagpahayag si Duterte ng pag-asa na iboboto ng Filipino electorate si Greco na kanyang pinuri dahil sa kanyang performance at anti-corruption initiatives sa kanyang panunungkulan sa PACC.

Si Greco, sa kanyang one-on-one na pagpupulong kay Duterte, ay tiniyak na ipagpapatuloy ang mga patakaran at programa ng papalabas na administrasyon, kabilang ang anti-narcotics campaign.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Nangako rin si Greco na pananatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa, palakasin ang sistema ng hustisya, at ipasok ang mga pag-amyenda sa "passive" na batas laban sa katiwalian.

Sinabi ni Duterte na kumpiyansa siya na si Greco, kung mahalal sa Senado, ay matutupad ang kanyang pangako na isulong ang mga legislative measures na makakabuti sa bansa.

"Just listening to you, if you can only achieve even a half of what you are telling us now, lalo na 'yung pag-ano sa batas you strengthen it, you are, I said, you. ay nasa tamang landas. Kaya, hinihimok ko kayo na mangampanya nang husto. Paalamin natin ‘yung mga tao kung gaano ka ka-Pilipino na nagmahal ng bayan," ani ng pangulo.

Nangako rin si Duterte na ikampanya si Belgica na isa sa “Lucky 7” senatorial candidates ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Samantala, inamin ni Duterte na nagustuhan niya si Marcoleta, na bahagi rin ng "Lucky 7" Senate bets ng PDP-Laban, nang masaksihan ang dedikasyon nito sa "paghabol" sa mga oligarko.

Sinuportahan din ni Duterte si Marcoleta sa pagiging pinaka-vocal na mambabatas na tumututol sa franchise renewal ng local media giant na ABS-CBN Corp.

"Labis akong humanga. Hindi ka takot sa oligarchs. Hindi ka takot sa pera nila," sabi niya kay Marcoleta.