Kaya pala nasa Pilipinas ngayon ang aktres na si Rufa Mae Quinto ay dahil sa kanyang kapatid na pumanaw nitong nakaraang araw. 

Matatandaang nasa Amerika ang aktres noong kasagsagan ng pandemya mula noong 2020. 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang ilang mga larawan na kasama ang kanyang kapatid na si Vincent.

"Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. May the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen," saad ng aktres sa caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dito rin niya ibinahagi na umuwi sila ng kanyang anak na si Alexandria galing Amerika para sa kanyang kapatid. 

"Umuwi pala kami ni @alexandriamagallanes galing America para sayo Vincent, ang pogi at mabait kong kapatid. Rip. Mahal ka namin @symonkeyking," ani Rufa Mae.

"Grabe pala malagasan ng kapatid. Iba din," dagdag pa niya.

Nitong mga nakaraang linggo ay naging matunog ang pangalan ni Rufa Mae dahil sa politika. 

Naispatan kasi siya habang nasa entablado ng Summit Center ng Universidad de Zamboanga, kung saan nakikipagkulitan siya sa ilang UniTeam slate nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.

Dahil doon, nawindang ang mga netizens at sinabihan siyang "boba."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/29/rufa-mae-trending-dahil-pro-bbm-booba-nga-sey-ng-netizen/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/29/rufa-mae-trending-dahil-pro-bbm-booba-nga-sey-ng-netizen/

Kamakailan naman ay naispatan siya sa campaign rally ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao sa Dumaguete City.

Hindi tuloy napigilang mag-react ng ABS-CBN resident director na si Antoinette Jadaone sa paandar na ito ni Rufa Mae.

“Ay ibaaaaa si madam!!! Hahaha winner mall tour yarn??? Lahvet!” saad ng kilalang direktor sa isang reposted clip ni Rufa sa Twitter.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/03/mall-tour-yarn-direk-tonet-naloka-sa-appearance-ni-rufa-mae-sa-isa-pang-political-camp/

Hanggang ngayon tuloy ay hindi alam ng mga netizens lalo na ng kanyang mga fans kung sino nga ba ang sinusuportahan talaga ng aktres.Hinihintay na rin tuloy nila kung kaninong campaign rally naman ang pupuntahan ng aktres.